Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Silang na mapalawak at mapabuti ang serbisyong pangkultura at pang-edukasyon, masaya naming ipinapaalam ang pagbubukas ng bagong-renobadong Silang Municipal Library. Sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Kevin Anarna at Municipal Administrator Nathaniel "Jung" Anarna, Jr., ipinapakita natin ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kaalaman at kultura sa ating komunidad.
Ang bagong disenyo ay naglalayong magbigay ng mas malawak na espasyo para sa pag-aaral, pananaliksik, at iba pang kultural na aktibidad.
Sa pagtutok sa pagpapalakas ng kagalingan ng mga mamamayan, nadagdagan ang koleksyon ng mga libro, pamplet, at iba pang learning materials sa Silang Municipal Library. Ito ay magbibigay ng mas maraming mapagkukunan ng kaalaman at impormasyon para sa mga mag-aaral, guro, mananaliksik, at iba pang interesadong indibidwal.
Ang Municipal Library ay matatagpuan sa lumang munisipyo, Brgy. Poblacion 5, Silang, Cavite.