Ang inyong Pamahalaang Bayan ng Silang ay mabilis na umaksyon sa reklamong ating natanggap tungkol sa temporary transfer facility ng basura sa Barangay Bulihan.
Agarang nag-inspeksyon sa lugar ang ating mga kawani mula sa Municipal Environment and Resources Office at sa loob lamang ng 24 oras ay agad itong napaalis at napalinis.
Sa ganitong paraan, ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Silang ang kahandaan at determinasyon na agarang aksyunan ang mga reklamo ng ating mga mamamayan. Ang naganap na hakbang ay naglalayong hindi lamang mapanatili ang kalinisan kundi maging ang pagkakaroon ng isang mas malusog at maayos na komunidad para sa lahat.
Tunay na nagpapatuloy ang Pamahalaang Bayan ng Silang sa ating layunin na maging responsableng tagapamahala at tagapagtanggol ng kagandahan at kaayusan ng ating bayan.